Margin Call & Stop Out


Ang paggamit ng margin sa pagte-trade ay maaaring maging isang mahusay na paraan upang mas kumita ang pera mo, sapagkat maaari kang kumita ng mas malaki na karaniwang posible lamang sa isang mas malaking pamumuhunan. Gayunpaman, sa benepisyo na ito ay kaakibat din ang peligro ng higit na pagkalugi kung ang trade ay hindi umayon sa iyong mga plano. Maaari ring mangyari ang pagkawala ng higit sa kung ano ang mayroon sa iyong account.

Upang maiwasang mangyari ito, mayroon kaming margin call at stop out na mga polisiyang nakalatag kung saan isasara ang iyong mga posisyon kung wala kang sapat na pondo upang panatilihing bukas ang mga ito.

Sa S.A.M. Trade, ang margin call ay itinakda sa 100% at ang stop-out level ay itinakda sa 50%.

Polisiya sa Margin Call – 100.00%

Maglalagay ka ng margin call kapag naubos na ang iyong free margin o ang Percentage of Equity/ Used Margin ay nasa 100.00%

Free Margin: USD 0.00
Percentage of Equity/Used Margin: 100.00%

Ipinapakita sa MT4 bilang Free: 0.00 / 100.00%

Hindi ka makakapagbukas ng mga bagong posisyon o makakapagsagawa ng mga bagong trade kapag sumailalim ka sa margin call. Kakailanganin ang mga karagdagang deposito para makapagsagawa ng mga bagong trade.

Polisiya sa Stop Out – 50.00%

Kapag ang iyong Percentage of Equity/ Used Margin ay bumaba sa 50.00%, ang iyong naluluging posisyon ay isasara upang maiwasan ang pagtatamo mo ng mas malaking pagkalugi. Ganito kapag naganap ang isang stop out.

Halimbawa ng Margin Call & Stop Out Situation

Mayroon kang cash balance na USD 1,500 sa iyong account na may leverage na 1:100, o margin na 1%. Nagsagawa ka ng trade upang bumili ng 1 standard contract ng EUR/ USD, sa Ask Price na 1.23840.

Used Margin: Contract Size * Lot Size * Presyo * Margin %
Mayroon ka ngayon na Used Margin na 100,000 * 1.00 * 1.2384 * 1% = USD 1,238.40
Free Margin: Balanse – Used Margin
Mayroon ka na ngayong Free Margin na USD (1,500.00 – 1,238.40) = USD 261.60
Ang halaga ng Free Margin ay nagbibigay-daan sa iyo na magkaroon lamang ng puwang para sa 26.1 pips na pagbaba bago ka sumailalim sa Margin Call.

Ipinapakitang margin call sa MT4:
Balanse: USD 1,500.00; Credit 0.00; Equity: 1,238.40; Margin: 1,238.40; Libre: 0.00 / 100.00%

Walang mga bagong trade ang maaaring isagawa kapag ang Percent Equity/ Used Margin ay mas mababa sa 100.00% at dito magaganap ang Margin Call.

Kung walang mga bagong deposito at ang merkado ay patuloy na hindi umaayon sa iyo. Mayroon ka na lamang na puwang para sa isa pang 50% na pagbaba ng iyong Used Margin bago maganap ang Stop Out.

Ang 50.00% ng Used Margin ay USD 1,238.40/ 2 = USD 619.20 na sa madaling salit ay panibagong 61.92 pips.

Samakatuwid, ang kabuuang bilang ng mga pips na pinapayagang bumaba para sa EUR/USD sa simula ng trade:

Free Margin + 50.00% ng Used Margin

USD 261.60 + USD 619.20 = USD 880.80 na sa madaling salita ay panibagong 88.08 pips

Stop Out na ipinapakita sa MT4:
Balanse: 1,500.00 USD; Credit 0.00; Equity: 619.20; Margin: 1,238.40; Libre: -619.20/ 50.00%

Isasara ang iyong posisyon upang maiwasan ang pagkakaroon mo ng mas malaking pagkalugi kapag ang Percentage of Equity/Used Margin ay mas mababa sa 50.00% at dito magaganap ang Stop Out.

Siyasatin ang higit pa tungkol sa ...