Mensahe ng CEO - Isang Bago at Kapanapabik na Pagsisimula sa Forex Trading


Mula nang aming pagka-incorporate, ang pagtitiyak sa tiwala at kumpiyansa sa bawat mga kliyente at partner ay ang naging adhikain ng S.A.M. Trade sa lahat ginagawa nito. Ang idinagdag na mga layer ng seguridad - maliban pa sa mga kasalukuyang mga lisensya na hawak na ng S.A.M. Trade, ay pinatitibay ang aming pangako sa pagpupunyagi upang makamit ang pinakamataas na posibleng pamantayan sa corporate governance, karanasan sa pagte-trade, at kasiyahan ng kliyente. Ang mataas na pamantayan na ipinataw ng S.A.M. Trade sa sarili nito ay mas pinahusay ng SamAide na nag-aalok ng matatag na fund security para makapag-trade ang mga kliyente na walang pag-aalala sa kanilang isip.

Bilang bahagi ng aming Vision 2025 Initiative, ang Samtrade FX ay nai-rebrand bilang S.A.M. Trade na nangangahulugan ng pagbabago sa kumpanya mula pa noong 2015. Ang hindi nagbago ay ang pangunahing sistema ng paniniwala ng S.A.M. Trade at ng team kung saan ang tatag ng kumpanya ay nakasalalay sa mga batayan ng 3 haligi: Synergy, Adaptability at Motivation.

Ang S ay nangangahulugan ng Synergy - Kami ay isang team; isang Synergy. Ang aming mga cross-business team ay higit pa sa mabisang komunikasyon at pagtutulungan - pinapakinabangan namin ang aming pagkakaiba-iba upang lumikha ng isang pinag-isang samahan na mas malaki kaysa sa kabuuan ng mga bahagi nito. Isinusulong namin ang mga pananaw na nagbibigay ng internal na kooperasyon at suporta sa buong mga yunit ng organisasyon upang makamit ang mas mahusay na mga resulta.

Ang A ay para sa Adaptability - Sa pagsabay sa pagbabago ng panahon, patuloy kaming umaangkop at pinapaghusay ang aming mga serbisyo at mga alok na produkto. Hindi lamang nag-aalok ang S.A.M. Trade ng mga produkto na CFD sa pinagbabatayan na mga klase ng investment hal, forex, mga commodity, nag-aalok ngayon ang S.A.M. Trade ng CFD para sa mga equity at cryptocurrency. Ang mga kliyente at mga partner ay maaaring makaasa ng mas malawak na hanay ng mga produkto upang umangkop sa iba't ibang mga estilo at pangangailangan sa pagte-trade.

Panghuli, ang M ay para sa Motivation - Ang aming layunin na lumago, bilang mga indibidwal at bilang isang team, ay binibigyan ng lakas ang aming grupo na may iisang mithiin, mga determinadong propesyonal na patuloy na tumutulong sa pagtatagumpay ng aming mga kliyente pati na rin sa tagumpay ng bawat isa sa amin sa industriyang ito, at maging sa piniling larangan ng aming mga miyembro sa team.

Bukod dito, ang S.A.M. Trade ay gumagawa ng karagdagang malalaking hakbang patungo sa financial digital space. Ikinalulugod naming ipahayag na ang aming nauugnay na kaakibat, S.A.M. Trade (Asia) Pte Ltd, ay nagsimulang pampublikong mai-trade sa OTC Markets na may simbolo (OTCMKTS: SMFX) noong 31 Marso, 2021.

Sa diwa ng pagre-rebrand at mga bagong initiatibo, magpapatuloy kaming mangako sa aming mga kliyente at mga partner na magbibigay ng mas mataas na antas ng propesyonalismo na inyo ng naranasan at nais naming kunin ang pagkakataon na pasalamatan ang aming mga tapat na kliyente at mga business partner para sa iyong pagtitiwala at pagkikipagkaibigan.

Nagpapasalamat,
Sam Goh

Ang aming Presensya


Nagbibigay ang S.A.M. Trade ng panlahatang, at mga pinasadyang mga serbisyo sa aming mga kliyente at mga partner. Nagsusumikap kaming maging mahusay sa aming mga serbisyo sa lahat ng mga kliyente, tinitiyak na ang lahat ng mga pangangailangan ng aming kliyente ay ay maayos na natutugunan.

Benepisyo ng Pagte-trade sa STP / ECN Brokerage


Bilang isang broker ng STP/ECN, ang mga trade ng kliyente ay ipinapasa diretso sa aming mga liquidity provider; marginal profit lamang ang nakukuha namin mula sa mga komisyom, na nagmumula sa volume ng trade.

Ang modelo ng STP/ECN ay pinapaboran ng maraming mga trader, dahil ang mga firm na pinapatakbo sa modelo ng STP/ECN ay madalas na nakapag-aalok ng higit na kumpetitibong mga spread. Ang mga broker ng STP/ECN ay pinapasa ang maraming mga trade sa mga liquidity provider na may kakayahang mag-alok ng mas mahigpit na mga spread dahil sa napalaking volume na hawak nila, ibig sabihin karaniwang ang mga spread ay mahigpit sa ilalim ng karaniwang mga kondisyon ng merkado.

Isang Seamless at Ligtas na Trading Environment


Ang S.A.M. Trade ay nakikipagtulungan sa ilan sa mga pinakamahusay na mga technology provider sa buong mundo upang magbigay sa mga kliyente ng seamless at ligtas na kapaligiran para sa pagte-trade.

ECN

ECN

Ang teknolohiyang gamit sa S.A.M. Trade ay kilala bilang Electronic Communication Network (ECN). Ang ECN ay isang uri ng computerized na network na nangangasiwa sa pagte-trade ng mga produktong pampinansyal sa labas ng mga tradisyunal na stock exchange. Pinag-uugnay nito ang mga pangunahing mga brokerage at indibidwal na mga trader upang maaari silang direktang makipag-trade sa isa't-isa nang hindi dumadaan sa isang middleman at gawing posible para sa mga investor na nasa sa iba't ibang mga lokasyon sa mundo ang mabilis at madaling makapag-trade sa isa't-isa.

MT4

MT4

Ang MetaTrader 4 ay isang platform na idinisenyo upang maibigay sa mga kliyente ang pinakamahusay na karanasan sa pagte-trade, pag-aanalisa sa mga financial market, pati na rin ang paggamit ng Expert Advisors. Ang platform ng MetaTrader 4 ay higit pa sa isang state-of-the art trading platform. Ang malayang pagkabuo nito, matatag na sistema ng seguridad, maginhawang mobile trading, at makabagong automated na pagte-trade ay ilan sa mga pangunahing katangian na nagbibigay sa MetaTrader 4 ng nakakaenganyo at kumpetitibong mga benepisyo, at nag-aalok ng perpektong solusyon sa mga pinaka-demanding na mga pangangailangan sa pagte-trade.



Ang S.A.M. Trade ay bumuo din ng iba't ibang mga serbisyo na makakatulong sa iyo para sa mas madali at simpleng pagte-trade.
Nauunawaan ng S.A.M. Trade ang kahalagahan ng proteksyon ng pondo para sa mga kliyente, dahil dito ay lumilikha rin kami ng aming 6 na haligi ng fund security.

Siyasatin ang higit pa tungkol sa ...